Mga Post

Ipinapakita ang mga post mula sa Oktubre, 2019

"Ang Aking Sarili"

Ang aking sarili Ang kwentong ito ay ikukumpara ko sa aking sarili. Sarili ko na lagi na lang nakikita ang mga ngiti pero iba ang pinapakita ng aking mga mata. Minsan na akong nagtanong mismo sa aking sarili kung bakit di ko magawang maging mabuting anak. Lagi na lang nakikita ang mali sa akin bakit ba di nila nakikita ang aking nararamdaman pero pag sa eskwelahan ang nakikita nila sa akin na para bang walang problemang dinadala. Manhid na ba ang aking mga kamagaral? O di lang talaga nila na papansin nakung sino ang palangiti ay siya pang mabigat na ang dinadala.       Hindi ko ito sinasabi pero mas gusto ko na lang manahimik kaysa sa umiyak sa harapan nila at humingi ng tulong na di rin naman nila maintindihan. Pero iisa lang ang dahilan kung bat ako nagkaganito ng todo pati sarili ko di ko maintindihan kung ano ba ang gustong ipahiwatig ang nararamdaman. Siya ang kaisa-isang bumihag at sinaktan ako ng di binibigyan ng rason kung bakit iniwan ako sa ere ng walan...

"Kwentong ML"

Kwentong ML  "MALING LIPUNAN" Anong klaseng LIPUNAN ang iyong nakagisnan?  Anong uri ng pamumuhay ang iyong nakalakihan?  Anong uri ng barkada ang nakamulatan? Anong uri ng pamilya meron ka na pwede mong ipagmalaki sa iyong LIPUNAN? Lagi mong pakatandaan , na hindi lahat na iyong nakakasalamuha sa araw araw sa LIPUNAN na iyong ginagalawan ay totoo at walang halong kaplastikan. Hindi lahat ng nakangiti o ngumingiti sayo ay kaibigan mong tunay. Mag ingat upang di mapahamak sa lipunang puno ng pagpapanggap. Aminin natin na walang perpektong LIPUNAN. May lipunang sobrang gulo at maingay.  Lipunang nakakabingi ang katahimikan. Lipunang walang Diyos na pinaglilingkuran. Lipunang walang simbahang pwedeng malapitan, na sa panahon ng problema at kapighatian, walang pastor na aalalay. Walang kapatirang pweding maiyakan, sadyang napakalupit kong ganitong uri parin ng Lipunan ang iyong ginagalawan. Kaya kapatid, kong ganitong uri parin ng lipunan ang naghahari sa i...

"LIpunan"

"Lipunan" Isang tulang inilimbag ko tungkol sa sakit ng lipunan Hindi patas na kalakaran, Pagsugal sa kapayapaan at kalayaan. Isang tula na may akda papaikutin ko ang paksa Sa inaabusong kapaligaran ,  Walang humpay na kahirapan, At nakakasirang prinsipyo sa buhay ng iilang kabataan. Bakit ba ganito kasama ang sitwasyon ? dekalidad ng edukasyon, Bulok na tranportasyon, Paglaban sa depresyon, Lumolobong populasyon, Lumalalang polusyon, Pinagkakagastusang imbensyon, Ang pinaiiral na sa ngayon. At Ano ano pang nangyayari na sa tingin ko ay makabuluhan Marahil nakakasawa naring pagtatalo ang pinapairal ng iilan , Oo't mas masarap diba ang mag-alay ng tula para sayong iniibig, At idaan sa obra ang sakit ng nararamdaman dulo't ng pagkabigo sa pag-ibig Ngunit diba't mas masarap alayan ng tula ang iyong bayan Tungo sa pagsibol at pagganda ng ating Lipunan Sa tulong ng pinag tibay na kabataan at kababaihan  Upang muli ang bansa'y magkaroon n...