"Kwentong ML"

Kwentong ML

 "MALING LIPUNAN"

Anong klaseng LIPUNAN ang iyong nakagisnan? 
Anong uri ng pamumuhay ang iyong nakalakihan? 
Anong uri ng barkada ang nakamulatan? Anong uri ng pamilya meron ka na pwede mong ipagmalaki sa iyong LIPUNAN?

Lagi mong pakatandaan , na hindi lahat na iyong nakakasalamuha sa araw araw sa LIPUNAN na iyong ginagalawan ay totoo at walang halong kaplastikan. Hindi lahat ng nakangiti o ngumingiti sayo ay kaibigan mong tunay. Mag ingat upang di mapahamak sa lipunang puno ng pagpapanggap. Aminin natin na walang perpektong LIPUNAN.

May lipunang sobrang gulo at maingay. 
Lipunang nakakabingi ang katahimikan.
Lipunang walang Diyos na pinaglilingkuran. Lipunang walang simbahang pwedeng malapitan, na sa panahon ng problema at kapighatian, walang pastor na aalalay. Walang kapatirang pweding maiyakan, sadyang napakalupit kong ganitong uri parin ng Lipunan ang iyong ginagalawan.

Kaya kapatid, kong ganitong uri parin ng lipunan ang naghahari sa inyong lupang inaapakan, nais ko lang sabihin sayo na naML ka Anong uri ng ML ito?

#MalingLipunan
ang lupang iyong inaapakan.
Pero, bilang isang Kristyano sa iyong lipunan dapat kakaiba ka. "Make A Difference".Kaya mula sa oras na ito, nais kang pagpalain ng Diyos at gamitin ng Panginoon sa inyong lugar upang maging pagpapala. Hayaan mo na ikaw ang maging instrumento ng pagbabago sa iyong lipunan. Mamuhay ka na may kabanalan, upang sa pamamagitan mo ay magkaroon ng maayus na lipunan. Ipakilala mo, ipagsigawan mo si Jesus sa lupaing iyong inaapakan. At hayaan mo na ang iyong pananampalataya ay umapoy at mag-alab, upang ang ibang tao sa inyong lipunan ay mahawaan ng iyong kaningningan. Hayaan mo na ang bawat taong iyong makakasalamuha sa araw ay mapalaya sa isang madilim at hindi kaaya- ayang Lipunan.

By: Guiller C. Bognot

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

"LIpunan"

"Ang Aking Sarili"