"LIpunan"

"Lipunan"

Isang tulang inilimbag ko tungkol sa sakit ng lipunan
Hindi patas na kalakaran,
Pagsugal sa kapayapaan at kalayaan.
Isang tula na may akda papaikutin ko ang paksa

Sa inaabusong kapaligaran , 

Walang humpay na kahirapan,
At nakakasirang prinsipyo sa buhay ng iilang kabataan.
Bakit ba ganito kasama ang sitwasyon ?

dekalidad ng edukasyon,
Bulok na tranportasyon,
Paglaban sa depresyon,
Lumolobong populasyon,

Lumalalang polusyon,
Pinagkakagastusang imbensyon,
Ang pinaiiral na sa ngayon.
At Ano ano pang nangyayari na sa tingin ko ay makabuluhan

Marahil nakakasawa naring pagtatalo ang pinapairal ng iilan ,
Oo't mas masarap diba ang mag-alay ng tula para sayong iniibig,
At idaan sa obra ang sakit ng nararamdaman dulo't ng pagkabigo sa pag-ibig
Ngunit diba't mas masarap alayan ng tula ang iyong bayan

Tungo sa pagsibol at pagganda ng ating Lipunan
Sa tulong ng pinag tibay na kabataan at kababaihan 
Upang muli ang bansa'y magkaroon ng kalayaan .

By: Guiller C. Bognot

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

"Ang Aking Sarili"

"Kwentong ML"